
Ivana Alawi
NAGPAABOT ng tulong pinansyal ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi para sa mga batang may sakit.
Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “Buhay Ospital”, bumisita ang aktres sa Philippine Children’s Medical Center para mangamusta sa mga pasyente.
Bago ang simula ng vlog ay may disclaimer na si Ivana na last year pa lang ay inaasikaso na nila ang kailangang permit para makapag-vlog sa naturang ospital.
“Since last year pa kami nag-prepare sa pagkuha ng mga permitd at pagpapaalam sa lahat ng tao na makikita sa video na ito,” saad ng aktres.
Baka Bet Mo:
Ivana Alawi: Ang tingin nila sa ‘kin easy to get ako, pero…
Ivana Alawi ‘kerida’ kuno ni film producer-politician Albee Benitez
Bukod sa mga istorya ng mga pasyente at ng kanilang mga magulang, nakausap rin ni Ivana ang mga doktor at nurse na katuwang ng mga pamilya sa gamutan ng mga pasyente.
Ilan sa mga pasyente ay binigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalagang P50,000 para makatulong na gumaan ang pinagdaraanan ng maysakit at ng kanilang mga pamilya.
“Napakahirap kasi magkasakit. Financially, mentally, everything [damay]. Kaya ito, maliit na tulong. Na-touch nga ako kanina kasi big thing na pumunta ako dito kasi sumaya sila,” lahad ni Ivana.
Bukod pa rito, na-realize niya na blessed pa rin siya dahil mas magaan pa rin ang mga kinakaharap niyang problema.
“Sobrang hirap nung nakita ko ‘yung sitwasyon nila tapos ako umaarte sa mga problema ko. ‘Yung mga bata mas malaki ‘yung problema nila,” sabi pa ni Ivana.
Nagbigay rin ng brand new phone ang aktres sa doktor at nurse na nakasama niyang maglibot sa mga wards.
Nakiusap rin si Ivana na huwag i-skip ang ads sa naturang vlog dahil ang kikitain ng video ay ido-donate niya sa ospital.
“Mabigat nakapanood ng mga ganitong kuwento pero pakiusap ko sana wag n’yo po sana i-skip ang mga ads, dahil lahat ng kikitain ng vodeo na ito ay ido-donate natin sa Philippine Children’s Medical Center.
“Maraming salamat po,” sabi pa ni Ivana.